Powered By Blogger

Thursday, 13 October 2016

LOVE AIN'T PERFECT


I am married for a year, and like any other relationships, there had been ups and downs. It truly is a roller coaster ride with the one you love, and I am expecting more of these in the next years. Ganyan ang pag-ibig. Hindi mo lang sya mahal dahil sa magagandang katangian nya, kundi handa ka rin dapat na harapin kung ano man ang mga pagkukulang nya. Kailangan din marunong ka umamin sa mga pagkakamali mo.

Our relationship is not perfect. Nag-aaway din kami, pero we see to it na nagkakaayos kami bago kami matulog. We consider the following day a fresh start, na para bang walang nangyari. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na umiiksi ang pisi mo sa tuwing nadidisappoint ka ng partner mo. May mga bagay ka na ineexpect sa kanya, na sa end naman nya, naibigay na daw nya lahat.

Bakit naisipan ko'ng isulat ang blog na 'to? Hindi para magyabang, kundi para ibahagi ang natutunan ko sa unang gabi ng paglagi namin (kami at ang pamilya nya) sa Espanya.


La Pineda, Catalunya, Spain
Sa unang araw pa lamang namin doon, nagkaroon na kami ng alitan. Siguro sa kagustuhan ng asawa ko na maenjoy nya ang isang linggong bakasyon, ayun at maagang nalango sa alak. Ito naman ang nagbunsod ng galit ko sa kanya. Sari-sari ang pakiramdam ko noon bilang pakiramdam ko ay hindi ako kabilang sa pamilya nya. Language barrier ang isa sa mga dahilan. Nakakaintindi man ako ng lenggwahe nila, ngunit hindi lahat. Pakiramdam ko ako ay nag-iisa, at sya na inaasahan ko na makakasama ko ay solong nagpapakasaya.

Isang madramang gabi ang nangyari sa aming dalawa. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Natagpuan namin ang mga sarili namin na nakiupo sa tabi ng isang matandang lalaki. At first glance, akala ko nakatingin sya sa akin sabay ngiti. Habang kausap namin sya, doon lamang namin nalaman na ito ay di nakakakita. Hinihintay nya ang kanyang asawa na bumibili ng pagkain para sa kanya. Isa syang engineer bago tuluyang nawala ang kanyang paningin. Tinanong ng asawa ko kung gaano na sila katagal mag-asawa.

"50 years."

Katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko noon.

"Will you love me for the next 50 years?"

Bumalik sa ala-ala ko yung mga bagay na nagustuhan ko sa kanya, at ang mga pinangako ko nung araw ng aming kasal. Bigla kong naisip.... Bakit ko igigive-up ang relasyon na meron kami?
Walang-wala yung mga problema namin kumpara sa pinagdaanan ng mag-asawang nasa harapan namin ngayon. Ang laki ng paghanga ko sa babaeng ito. Sa kabila ng pagkawala ng paningin ng asawa, sya ang nagsilbing mga mata nito. Kita ko sa mga mata nya ang pagmamahal na para bang unang beses pa lamang silang nagkita. At dun nga sinabi ng asawa ko, "We hope that we will be like you, that we'd be together for 50 years or more."

I guess that's how powerful LOVE is. Nakakayanan mo kahit ano, basta magkasama kayo. Love is a continuous effort between two parties. Ito ay isang walang hanggang pag-unawa. Tama ang kasabihang "It takes two to tango." Huwag mo palaging hanapan ng mali ang partner mo, sa halip, tingnan ang sarili at mag-isip saan ka rin nagkulang. At doon, di mo namamalayan ang pagbababa ng iyong pride at ang pagtanggap sa iyong pagkakamali ay ang mga susi kung bakit ang relasyon ay nagtatagal.

At ang pinakamahalagang natutunan ko sa bakasyon na yon ay ito...
"Ang pag-ibig, hindi sinusukuan. Ipinaglalaban yan."

Spread the LOVE!

No comments:

Post a Comment

Do you have any violent reactions? ☺

Followers